Labaw Donggon

1

2 3 4 5

Sa aking unang taon sa kolehiyo, aking nasaksihan ang Labaw Donggon- isang napakagandang dula.

Ang Labaw Donggon ay isang halimbawa ng isang epikong bisaya. Bilang epiko, kinikilala itong isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagunggali ng isang tao laban sa mga kaaway na halos hindi kapani-paniwala dahil sa mga kakaibang tagpuan na puno ng kababalaghan. Bilang epiko, inaasahan ang Labaw Donggon na maging kwento ng ng kabayanihan na punong puno ng mga nakakamamangaha at nakagugulat na mga pangyayari; ito ay isang paglalahad na makabayani.

Ang Labaw Donggon ay kwento ng isang napakakisig na lalaking palaibig; isang romantikong karakter. Si Labaw ay isa sa tatlong anak nina Abyang Alunsina at Buyung Panbari. Naiiba siya dahil nang ipinanganak ito, lumaki ito kaagad. Lumaki siyang matalino, malakas at natuto agad itong magsalita. Siya ay umibig sa tatlong magagandang babae – Sina Anggoy Ginbitan, Anggoy Doroonan, at Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Sunod-sunod niyang sinuyo at pinakasalan nang walang pag-aalinlangan; nang buo ang loob. Handa niyang gawin ang kahit ano at handa siyang lumaban sa kahit kanino makuha lang mga minumutya. Kaiba sa naunang dalawa, si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata ay may-asawa. Kasal it kay Buyung Saragnayan. Hindi pumayag si Buyung sa pakiusap ni Labaw, kung kaya’t naglaban sila nito. Nagtagal ang labanan dahil parehong malakas si Buyung at Labaw. Nang mapagod si Labaw, tinali agad ito ni Buyung. Sinabit siya nang parang baboy sa ilalim ng kanilang bahay. Nang mabalitaan ito ng mga anak ni Labaw na sina Baranugan, anak ni Anggoy Doroonan, at Asu Mangga, anak ni Anggoy Ginbitinan, agad silang nagpaalam upang iligtas ang kanilang ama. Dahil sa Lakas ni Buyung, kinailangan nila humingi ng tulong sa mga impakto at sa kanilang lola na si Abyang Alunsina. Sinunod nila ang lahat ng sinabi kung kaya’t nagtagumpay sila sa pagpaslang kay Buyung Saragnayan. Nang mahanap na nila Asu Mangga at Baranugan si Labaw ay nabaliw na ito. Ginamot ito ng kanyang mga asawa paguwi nila.

Kahit ganoon pa man, kahit sa Labaw Donggon ang Bida, mas nagustuhan ko ang karakter ni Buyung Saragnayan. Mas napukaw niya ang atensyon ko’t damdamin, kung kaya’t siya ang naging paborito kong karakter bagamat kaaway ang pagkakakilala sa kanya sa epiko.

Si Buyung Saragnayan ang asawa ni Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. S epiko ipinapakilala siya bilang isang kaaway. Siya’y hadlang sa pag-aasam ni Labaw Donggon na mapangasawa si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Si Buyung Saragnayan ay isang nilalang na napakalakas. Hindi naging madali para kina Labaw Donggon, Asu Mangga at Baranugan ang pakikipagtunggali at pagpapatumba dito.  Maitim man o madilim ang pagpapakilala sa kanya sa epiko, nakuha niya ang aking simpatya. Ito ay sapagkat, para sa aking pananaw, ipinaglalaban lang niya kung ano ang nararapat talaga para sa kanya.

Sa aking palagay, si Buyung Saragnayan ay tumatayong simbolo. Siya ay humahalili sa mga bagay o mg aparte ng pagkatao ni Labaw Donggon na nais niyang malinis. Sa kabilang banda, ang mga nilalang naman na nilabanan ni abaw Donggon, ang mga maiitim na bagay sa dula, ay sumisimbolo naman sa mg aparte ng pagkatao ni Saragnayan.

Si Buyung Saragnayan ang naging daan upang mas makilala ni Labaw Donggon ang kanyang pagkatao. Dahil kay Buyung Saragnayan, napagtanto ni Labaw Donggon ang mga kamalian sa kanyang sarili. Minsann sa buhay, upang may mabuo sa iyong sarili, nararapat na may maguho muna sa iyng sarili. Sa epikong ito, ang elementong ginamit na makapag-guguho sa pagkatao ng pangunahing karakter upang makabuo ng mas mabuting karakter o realisasyon ay si Buyung Saragnayan.

Bakit ba kailangan mamatay ni Buyung Saragnayan?

Sa umpisa pa lang naman, alam na ni Buyung Saragnayan ang kanyang kahahantungan. Alam na niyang siya ay mamatay. Ngunit gayun pa man, pinili pa rin niyang labanan si Labaw Donggn. Ang lahat ng mga pangyayari ay nakalathala na sa tadhana.

Ang kaibahan ng pagnanasa at pag-ibig ay ipina-intindi sa atin ng epiko sa pamamagitan ni Buyung Saragnayan. Malaki ang kaibahan ng dalawang ito. Nalinaw it okay Labaw Donggon ng kamatayan ni Buyung Saragnayan. Naipunto it okay Labaw Doggon ng paghihirap ni Buyung Saragnayan. Ang lahat ng paghihirap ni Buyung Saragnayan ang nagtulak sa pagkamulat ni Labaw Donggon sa katotohanan. Ang pagkamatay ni Buyung Saragnayan ay sumisimbolo sa pagkamatay ng masamang bahagi ng karakter ni Labaw Donggon.

Kung ganoon, maipagtatanto natin na ang tadhana ni Buyung Saragnayan ay nakadugtong sa tadhana ni Labaw Donggon.  Hindi mabubuo ang epiko ng Labaw donggon kung aalisin si Buyung Saragnayan, sapagkat napakalaking parte ng pagkatao ni Labaw Donggon si Buyung Saragnayan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s